Hinihintay na lang nila na maikabit namin ang mga pintuan sa Main Door, Terrace at Kitchen.
After nito ay turnover ceremony na.
This is real na talaga, may bahay na ako.
Alam ko na ito ay simula pa lamang ng panibagong gastos, magpap bakod
Magpapa grills ng mga bintana, magpapa extend ng bubungan sa may Lanai papunta sa gilid ng grahe, at magpapa pintura sa loob ng bahay.
Wala pa rin mga cabinet sa kusina at sa mga kwarto.
Malaki pa ang magagastos ko, alam ko naman yun.
Pero yung excitement na nakapag patayo ka ng bahay mula sa pinag paguran mo ay hindi kayang I-explain in 1 sentence lang.
Hindi malaki ang sweldo ko, inabot ako ng 10 years sa abroad bago nakapagpatayo ng bahay.
Ilan nga bang masasarap na buffet ang aking tiniis para lamang makatipid.
Ilan pasko ang hindi ako umuwi sa Pilipinas para lamang makaipon?
Ilang taon na nga ba ang mga damit ko na ginagamit pamasok sa opisina at pambahay, ang hindi ko mapalitan kahit butas-butas na at may mga tastas na ang tahi?
Lahat ito ay tiniis ko para makapag ipon, para matupad ang pangarap ng aking ina na magkaroon kami ng sariling bahay.
Yung walang magagalit kapag may pinabago, walang magsasabi na inaangkin namin ang bahay.
Walang kapatid or tyahin, tyuhin at mga pinsan ang magsasabi na may karapatan din sila sa bahay.
Ngayon, masasabi ko na ito ay akin, amin lamang ng pamilya ko.
Ito ang Bahay ko.
ang Kubo ng OFW.
No comments:
Post a Comment