Bed Weather


Good Morning Neighborhoods !




Ganito ang itsura kapag masama ang panahon.
Kulimlim at nagbabanta ang ulan.


Sabi nga nila, Bed Weather, mas masarap sa loob lang ng Bahay.



May sofa na, pwede na tumambay sa salas.


Hindi sya ganun kagarbo, gaya ng palagi kong post,
gusto ko ay Minimalist lamang.
Walang masyadong dekorasyon na makakapagpagulo ng isip.


The more na madami kang nakikita, the more na madami kang maiisip.




Maging ang mga ilaw na nakakabit ay simple rin lang.


Ang mahalaga ay payapa ang pamumuhay ng mga nakatira.






Hindi pa kumpleto ang Kubo ng OFW,
madami pang kailangan ipaayos at ikabit.


Utay-utay, matatapos din ito.


Ang mahalaga ay natutulugan ng maayos at masagana ang pamumuhay ng mga nakatira.

Garden

Mahirap magpaganda ng Garden.
It's either gagastusan mo ito sa Landscaping or DIY.


Mas pinili ko ang Do It Yourself.


Nalilibang si Mama magdilig ng Bermuda, although may taga-linis sya ng bakuran, mas mainam pa rin na kapag may bagong ideya na gusting gawin sa bakuran ay magagawa mo.
Kapag naka Landscape na, may maintenance ka ng gagawin.




Simple lang naman ang gusto ko, green and beautiful.
Yung hindi mukhang nakakasawa, madaming room for improvement para pwedeng iba-iba ang design every few months.


Palaging sariwa sa paningin.


Buti nga di naiisipan ni mama magtanim ng mga nasa kantang Bahay Kubo, although naiisip ko yun kahit sa paso man lang.


Iba pa rin kase kapag ang kinakain mo ay sarili mong itinanim.

Unang Pasko sa Kubo ng OFW


December 24, 2019




Unang Pasko sa Kubo ng OFW.


Hindi kailangan ang magarbong dekorasyon, mahalaga ay magkakasama ang Pamilya at masaya.




Tamang tama lamang ang Kubo ng OFW sa bilang ng nakatira ditto.
May mga kapamilya man na dumalaw ay kasya pa rin kahit sa sahig maglatag, ang mahalaga ay sama-sama at masaya ang lahat.


Naging masaya ang unang pasko, maraming regalo at kapamilya na dumalaw.

Anu pa at masasabi ko na hindi mababayaran ang bawat halakhak at iritan sa loob ng Kubo ng OFW.







Home Improvement

Nagsimula ang Home Improvement sa Kubo ng OFW noong Februatry 14, 2018.
Pinalitan ang 2nd floor Vinyl to Tiles, maging ang terrace ay naka tiles na rin.
Ang grahe ay ipina tiles upang maging kaaya-aya ang itsura.


Ang bakod ay unti-unti ng natatapos.




Ang Lanai ay nilalagyan na ng bubungan upang maging extension ng kusina at dirty kitchen na rin.




Napakalaki ng gastos, pero worth it naman.


Kita sa mukha ng aking ina ang ligaya.
Sa wakas daw ay nagkaroon sya ng chance na makatira sa syudad.


Alam ko na hindi ko kaagad matatapos ng sabay-sabay ang Home Improvement na ito.
Malaking pera pa ang gugulong upang makumpleto ang kasangkapan at laman ng Bahay.


Utay-utay ika nga, hindi naman aalis yun Bahay kaya wag magmadali.



Lipatan

April 01, 2018


Unang araw ng buwan ng Abril,
Unang araw ng Linggo ng Buwan
Linggo ng muling Pagkabuhay ng ating Panginoon Hesus


Ito ang araw na kami ay tahimik na lumipat sa Kubo ng OFW.


Simpleng salu-salo ng pamilya at mga kamag-anak na dumalaw.


Hindi pa kumpleto ang gamit, wala pa ang sofa at mga mesa.






Matatagpuan sa gitna ng kabahayan ang isang Banga na puno ng tubig at barya.


Naniniwala ang aking ina na walang masama kung susunod kami sa mga kaugalian kapag lumilipat ng Bahay.
Hindi pwedeng matulog hanggat di gumagabi, upang walang mga malulubhang sakit na daranasin sa loob ng Bahay.
Hindi rin maaring ipamigay ang handa, manapa'y doon ito dapat kanin sa Bahay upang maging masagana ang pamumuhay.


Anupaman ay sinunod na lamang namin, wala naman mawawala kung maniniwala di ba.

Club House

January 4, 2018


Yung hindi pa man kayo nakakalipat at on-going pa lang ang home improvement pero nai-enjoy nyo na ang Facilities sa Club House.
Mga pagkakataon na bihira nyo magawa na pamilya dahil kailangan nyo pa mag outing or mag book ng private resort para masolo nyo lang ang pool.






Enjoy ang mga bagets sa swimming, malapit sa Mall at higit sa lahat, secure ang place.
Hindi basta nakakapasok ang bisita at tahimik ang neighborhood.






Tama nga pala ang naging pangungulit sa akin ni Mareng Sarah at ni Mama, kung di sila nagpursige na kulitin ako, malamang ay hindi ko mararanasan ang excitement na nangyayari sa akin ngayon.










My Own !

December 29, 2017


This is it !
Eto ako ngayon, habang nkatayo sa Bahay ko.
After 31 months, heto at nakatayo na ang Bahay ng OFW.




Alam mo yung feeling na excited ka ng ayusan ang Bahay kahit alam mo na marami pang dapat ayusin.
Yung 2nd floor, ipapaalis ko yung vinyl para malagyan sya ng tiles.
Ang mga bintana lalagyan pa ng grills.
Pipinturahan pa ang loob ng Bahay.
Ang masters bedroom di pa nailalagay ang pintuan dahil na rin sa feng sui na sinusunod.
Bawal kase nakatapat ang pintuan sa hagdanan kaya't iuusod ng konti ang pinto ng masters bedroom.


Masaya, nakaka-excite, although alam ko na nagsisimula pa lang ako sa mga haharapin ko na gastos.


Ang mahalaga, may Bahay na ako at ang aking Pamilya.

Translate