Lipatan

April 01, 2018


Unang araw ng buwan ng Abril,
Unang araw ng Linggo ng Buwan
Linggo ng muling Pagkabuhay ng ating Panginoon Hesus


Ito ang araw na kami ay tahimik na lumipat sa Kubo ng OFW.


Simpleng salu-salo ng pamilya at mga kamag-anak na dumalaw.


Hindi pa kumpleto ang gamit, wala pa ang sofa at mga mesa.






Matatagpuan sa gitna ng kabahayan ang isang Banga na puno ng tubig at barya.


Naniniwala ang aking ina na walang masama kung susunod kami sa mga kaugalian kapag lumilipat ng Bahay.
Hindi pwedeng matulog hanggat di gumagabi, upang walang mga malulubhang sakit na daranasin sa loob ng Bahay.
Hindi rin maaring ipamigay ang handa, manapa'y doon ito dapat kanin sa Bahay upang maging masagana ang pamumuhay.


Anupaman ay sinunod na lamang namin, wala naman mawawala kung maniniwala di ba.

No comments:

Post a Comment

Translate