April 24 2015
Ipinasundo ako ni Mareng Sarah sa kanyang driver para makapunta sa SM Lipa.
Magkape daw kami, since pabalik na ako bukas sa Singapore, mag bonding daw naman kaming dalawa.
Lulan ng Innova, dumaan kami sa bahay nya sa Lodlod Lipa City, bitbit ang ilang pinamili na iniiabot sa akin para madala ko daw sa Singapore in case na nami miss ko na ang purefoods corned beef.
Since likod lang ng SM ang LTO, dinaanan na muna namin si mama. Isasama na namin sya para makapamili na rin kami ng mga dadalhin ko pabalik ng Singapore.
Habang daan ay naikwento ko kay mareng Sarah ang naging lakad ko kahapon sa Base View Homes. Nagbabalak kase ako na bumili ng lote sa subdivision na iyon, may iniaalok sa akin pero ang layo na nya sa main gate. Halos likuran na ito at 10-15 mins ang byahe palabas ng subdivision.
"Mare, gusto mo tingnan ang bahay ng kapatid ko, maganda rin yun, sa may Fiesta Mall lang" aniya
"Anong subdivision un, baka naman magulo" balik ko na tanong sa kanya.
"Maganda dun, may guard sa gate at di basta pwede pasukin ng kahit sinong bisita pag wala kang go signal sa mga gwardiya" mahaba nyang paliwanag.
Nag kwento na sya about sa tinitirahan ng kanyang kapatid, naki sagot na rin si Mama. Alam nya pala ang subdivision na iyon, lamang ay hindi pa nya napapasok.
isa itong Exclusive Subdivision.
Pagpasok pa lamang sa gate ay tinanong na ang pangalan ng pupuntahan namin, kinuha ang lisensya ng driver at saka kami pinapasok sa gate.
Mukhang bago pa ang subdivision, makikita na iilan pa lamang ang nakatayo na bahay.
"Daanan natin c Lovey, yung agent ng kapatid ko, check natin kung meron mura." si mareng Sarah, nagyayaya sa bahay ng ahente.
"Oo nga, baka may mura-murang house and lot kaysa dun sa Base View na lote laang" sang ayon naman ni mama.
Nakarating kami sa bahay ng ahente na si Lovey.
Maganda ang landscape sa harap ng kanyang bahay, maliit lang ang bahay, o di lang talaga ako sanay sa ganung klase ng lote since malalaki ang kinatitirikan ng bahay namin sa baryo.
Inalok kami ng iba't-ibang house and lot, pero ayoko.
Wala ako sa mood bumili ng bahay at lupa, unang una na ay hindi naman ako titira sa Pilipinas.
Wala akong balak na mag retiro at umuwi sa bansa kung saan walang kasiguruhan ang aking kinabukasan.
Bilang OFW na single mom, mahirap ang may hinuhulugan na property, baka hindi ko ito matapos at masayang lamang ang aking naihulog.
"Mas maganda na ang may hinuhulugan ka, wala kayong sariling bahay mag-iina. Iba yung may sarili kayo. Dumating man ang panahon na mangailangan ka ng pera, maari mo itong mabenta" payo ni mama.
"hindi ko nga kaya ang mag monthly, ayoko ng may utang." sagot ko sa kanya kaharap si mareng Sarah at Lovey.
"mare iba ang may investment na property, kung ayaw tirahan ng mga anak mo, maari mo itong paupahan" si mareng Sarah.
"madam, iba ang may sariling property, mas ok umuwi sa sariling bahay. Pwede mo itong parentahan for investment nasa city po itong subdivision, madami ang uupa" pang hihimok ng ahente,
Gusto ko na syang sagutin na syempre yan ang sasabihin mo, ahente ka eh. Kailangan mo ng sales. Ayoko talaga bumili ng bahay, aanhin ko naman yun. Gusto ko pa ipamasyal na lang sa iba't-ibang bansa ang aking pera na kikitain. Mai enjoy ko pa at ng mga anak ko.
Aanhin ko ang bahay na hindi ko naman matitirahan, sino makikinabang?
Eh kung magtu tour ako, na enjoy ko na, nakarating pa ko s iba't-ibang bansa.
Sabay irap ko sa kanilang tatlo habang sila ay nagdi diskusyon tungkol sa mga available pa na lote,
"Magkano po ba ang kaya nyo ibayad monthly?" tanong ni Lovey
"10 thousand pesos, meron ba kayong ganun?" alam ko naman na wala silang ganun kababa na bahay, exclusive subdivision ito.
"Naku mam, baka pwede po kahit 20 thousand sana" sagot nya
"Naku di kaya eh, nagpapadala pa ako ng pang gastos ng mga anak ko, single parent ako eh." paliwanag ko sa kanya
"Ala, wag mo ng intindihin ang ipapadala sa mga bata, kaya na kita tulungan kung pambaon at pagkain lang din nila iniisip mo, mas maganda na ang may sarili kayong bahay" eto na naman si mader, ipipilit talaga ang gusto.
"Mam Sarah yung lote pala ng kaibigan nyo, hindi na naituloy, Baka magustuhan ni madam yun" sus, nag alok na naman si Lovey the agent.
"Pwede makita? malapit ga laang iyon sa guard house?" tanong ni mama.
Isa pa itong maatat eh.
Sumakay muli kami sa Innova kasama si Lovey at pinuntahan ang sinasabing lote.
Corner lot, retiree from US ang katabi. Maayos ang nasa likod bahay, lawyer ata, hindi ko na inintindi ang iba pang sinasabi ni Lovey since di naman ako bibili.
"Naku anak, maganda ito ! Gusto ko are eh " hala, si mama, at naging interested pa sa lote.
"Ala mama, saka na yan, aanhin ko ga naman ang bahay eh may natitirahan pa naman tayo?" nakasimangot na ako.
"mare investment yan" isa pa itong si mareng Sarah, nakiki ride on pa kay mader eh.
"Mama 4:00pm na, mamimili pa tayo ah" yaya ko na sa kanila
"Daan po muna tayo sa office, para ma kwenta kung magkano at kung anong model ng bahay ang pwede dito" di talaga papigil si Lovey.
Di na lang ako umiimik sa sasakyan, nagku kwentuhan sila about sa subdivision habang binabagtas namin ang daan papunta sa office ng Developer.
Nakita ko ang mga print out ng floor plans ng bahay na pwedeng itayo.
2 lang ang pwede namin pagpilian, Athena or Alexandra model.
Maganda ang Athena, yun daw ang new model nila na ire release ngayong 2015.
Pero ang presyo nito ay 5.5 Million pesos sa cash. Ang Alexandra naman ay nasa 4.5 million, after discount ay papatak ng 4.4 million
Ayoko mapahiya sa harapan ni Lovey at mareng Sarah, tumatakbo ang oras, gagabihin kami sa pag uwi kaya't nagpaubaya na ako sa diskusyunan nila.
"Alexandra na lang, 3 room sa taas at 1 sa baba para pag tumanda si mama eh di mahirapan " pagbibiro ko pa
Wala akong kamalay-malay na kino compute na pala ng mga taga office ang monthly.
"Madam eto po, 850,000 ang equity. bale 68,750 for 12 months ang babayadan nyo then saka sisimulan ang construction after full payment ng equity" iniabot sa akin ng taga office ng developer ang isang piraso ng papel na may computation.
"Nyak, ang laki, saka di ko naman kelangan pa patayuan ng bahay eh. wala naman titira pa" paliwanag ko.
"Paki compute mo sa 24 months, since yung property naman eh kaibigan ni mam Sarah, may naihulog na sya dun bago na forfeit" pakiusap ni Lovey sa taga opisina.
Nag compute muli ang babae, iniabot sa akin ang panibagong papel.
"Ayan ho, 34,375 ang monthly kapag 24 months to pay ho ." ani nito,
"Ayan kakayanin mo na yan anak, wag kang mag alala, mas maganda na ang may hinuhulugan ka na magiging iyo pagdating ng panahon kesa napupunta sa wala ang kinikita mo" pangungumbinsi ni mama.
"Ok sige, next month na ako magpapadala. O sya tara na at hahapunin tayo" yaya ko sa kanila
"Mam need na po ng reservation ngayon. 25 thousand pesos po" paalala ng taga opisina.
"Aba, eh san naman ako kukuha ng 25 thousand sa oras na ito eh magkakape lang naman kami sa SM at bibili ng damit ko pampasok sa office. Wala akong ganyan kalaki. Pag sahod ko pa this month" mahaba kong paliwanag.
"Naku madam, need po talaga kahit cheque po. Hindi po namin maire reserve sa inyo ang property kapag may iba na nakagusto. Madami na po nagtatanong ng corner lot at yun na lang ho ang nag iisa na malapit sa gate " paliwanag ng taga office ng Developer.
"Sarado na ang banko eh, mag a alas- singko na. Pwede gang sa lunes na magbigay?" tanong ni mama
"OO nga sa lunes na, aalis na ako bukas e" pero ang totoo, ayoko talaga bumili ng house and lot. Gusto kong kausapin muna si mama pag uwi sa bahay at ipaliwanag sa kanya na ayoko. Na hindi ko kakayanin maghulog ng ganun kalaki.
"Mare may cash ako sa bahay, papahiram ko na muna tapos sa monday na lang ibalik sa akin ni mama Ida" offer ni mareng Sarah
"O sige, sa lunes ng umaga ibabalik ko sa iyo pagkabukas na pagkabukas ng banko" at nakiayon naman si mama.
Napakabilis ng mga pangyayari. Tinawagan ni mareng Sarah si mama Neng, kasama nito sa bahay, at iniutos na bigyan ng 25 thousand pesos ang driver para dalhin sa office ng developer ng subdivision kung saan kami ay naghihintay.
Namalayan ko na lamang na pumipirma na ako sa contract, di makapaniwala na ang planong pagkakape ay mauuwi sa pagbili ng bahay at lupa.
Kumusta kayong lahat,
ReplyDeleteAng pangalan ko ay Mr, Rugare Sim. Nakatira ako sa Holland at masaya akong tao ngayon? at sinabi ko sa sarili ko na ang sinumang nagpapahiram na nagligtas sa akin at sa aking pamilya mula sa aming mahirap na sitwasyon, ire-refer ko ang sinumang tao na naghahanap ng pautang sa kanya, binigyan niya ako ng kaligayahan at ang aking pamilya, ako ay nangangailangan ng pautang ng € 300,000.00 para masimulan ang buhay ko dahil ako ay nag-iisang Ama na may 2 anak nakilala ko itong tapat at natatakot sa Allah na lalaking nagpapautang na tumutulong sa akin sa pautang na €300,000.00, siya ay isang taong may takot sa Allah, kung kailangan mo ng pautang at babayaran mo ang utang mangyaring makipag-ugnayan sa kanya sabihin sa kanya na (Mr, Rugare Sim) i-refer ka sa kanya. Makipag-ugnayan kay Mr, Mohamed Careen sa pamamagitan ng email: (arabloanfirmserves@gmail.com)
FORM NG IMPORMASYON SA PAG-AAPLIKASI NG LOAN
Pangalan......
Gitnang pangalan.....
2) Kasarian:.........
3) Halaga ng Pautang na Kailangan:.........
4) Tagal ng Loan:.........
5) Bansa:.........
6) Address ng Bahay:.........
7) Numero ng Mobile:.........
8) Email address..........
9) Buwanang Kita:.....................
10) Trabaho:..........................
11) Aling site ang ginawa mo dito tungkol sa amin.....................
Salamat at Best Regards.
Mag-email sa arabloanfirmserves@gmail.com