Kasama ni Mama si ka Paeng at Mrs nito na nagpunta sa ginagawang bahay.
Dala-dala nila ang mga hamba para sa 4 na pintuan na napagkasunduang kami ang magpu-provide sa pinto at hamba.
Maganda na raw ang bahay, naaayon sa feng sui na ipinayo ni ka Paeng.
Pinakiusapan ni Mama ang 1 admin staff na kunan ng picture yung bahay.
Okay na sana ang lahat ng makita ko ang nakakagulantang na images.
For Window Type Aircon ang butas na nilagay nila sa bawat kwarto.
Yung nasa request ko ay Split Type Aircon ang ikakabit, pero mali ang ginawa nilang butas.
Maaayos pa naman daw ito ayon dun sa foreman, pero hindi ko maintindihan kung bakit sila nagkamali samantalang before pa magsimula ang construction ay may listahan na ako ng mga request at pinapirmahan pa nila ito sa akin.
As usual, nag send na naman ako ng email kay Ms Rizza.
Ipinaliwanag ko na rin sa kanya yung tungkol sa Master's bedroom door.
Ipapakabit na rin daw yun, since nakausap na ni Mama yung foreman at naipaliwanag kugn saan ipu pwesto ng pintuan, basta hindi pwedeng katapat ng hagdanan.
Kanina lamang ay tinawagan ko si Ms Rizza, titingnan daw nya ang request slip ko at iche-check kung bakit nagkaroon ng miscommunication.
Tamang tama rin naman na nabasa ko ang message sa akin ni Rochelle, Manager ng Metrobank.
Pina follow up na nya ang LOG (Letter of Guarantee) para daw mai process na ang loan sa banko.
Minamadali na nya para umabot daw ako sa promo nila na mababang interest rate.
Nakaka stress magbahay. Pramis !
No comments:
Post a Comment