Hamba

Naka receive ako ng email mula kay Rizza, admin sa subdivision.


" Hi Ma'm,


 Good day !!


Request na po naming ang Jamb for the following:
1. Maindoor: .90x210
2. Service door: .80x210
3. balcony door: .80x210


Please deliver on or before Sept 25, 2017


Thanks,
Rizza "


Agad-agad akong tumawag kay Mama para maihanda ang Hamba.
Pupuntahan nya daw si ka Eboy sa Halang, dahil dun ito ginagawa.

Thursday ng hapon, dinala sa bahay ang mga hamba.
Akala ko buong pintuan na ang ikakabit, ganito pala ang itsura ng hamba.




Apat na Hamba para sa Main door, Kitchen door, balcony at Master's bedroom.
Ang ibang pintuan gaya ng toilet at mga common room ay ang developer na ang bahala.




Pinalagyan ng Solignum, ito ay isang klase ng wood preservative upang hindi anayin ang kahoy at pasukin ng bukbok. Mas mainam na gamitin ang Solignum kesa sa Malathion.


Mas nagkaroon ng buhay ang kahoy matapos itong malagyan ng lason.


Ang Yakal ay matigas na kahoy, mainam gamitin sa pintuan, hindi ito basta nasisira, di hamak na mas matibay kumpara sa nauuso ngayon na bakal na hamba.


Nakaka excite, madami akong natututunan.


Ilang tumbling na lang at magkakaroon na ako ng sariling bahay.











No comments:

Post a Comment

Translate