Missing Lanai

3 September 2017


Day 49


Maaga pa lang nag message na sa akin si Raisa na pupunta daw sila sa bahay.
This time, hindi makakasama si ka Paeng dahil may lakad daw ito.


Around 1pm, nag send si Raisa ng mga pictures.


May 2nd floor na ang bahay !


Masyado ba nilang minamadali?
Hindi pa ako ready para sa turnover ng bahay.


Isa-isa kong tiningnan ang bawat litrato na ipinadala,
hindi pala ganun kalaki ang bahay.
Marahil ay naninibago lamang ako dahil nasanay sa malawak na bahay sa baryo.


Hinanap ko ang picture kung saan makikita ang Lanai.

WALA.

Pader na ang dati'y kinalalagyan nito, wala ang pintuan kung saan dapat ito ay ililipat gaya ng napag usapan sa plano nung nakaraang buwan.


Para saan ang abang ng ilaw sa labas?
May nakaabang sa labas para sa ilaw, pero walang pintuan , puro pader lang.



" Ay nasaan ang pintuan ng Lanai?" tanong ni Mama.



Kumusta naman ang itsura ni Mama, animo'y naghihintay sa paglabas ng Portal na magbubukas ng lagusan papunta sa Missing Lanai.


Mukhang mapapatawag na naman ako sa Office ng Developer nito bukas.





No comments:

Post a Comment

Translate