Rules is Rules

19 August 2017


Nasa bahay si Ka Paeng, nakikipag usap daw sa mga 'unseen creatures" about sa ipinapagawang bahay.

All goes well daw naman, wag daw mag alala at kahit na meron magkakatapat na pintuan sa ginagawang bahay, magagawan nya daw ng paraan para maitama ito.


"Wala kang ipag-aalala Ineng at kausap ko ang mga kaibigan natin, nakabantay daw naman sila" si Ka Paeng, nakakausap daw nya ang mga nilalang,


"Ma, Saturday lang ngayon, baka hindi kayo papasukin sa subdivision. Di ga pag sunday lang daw pwede pumasyal para tingnan ang construction" mahaba kong paalala kay Mama


"Ay sus, ako na ang bahala. Makakapasok kami" may attitude din minsan ang Mama ko,


11:54 am  nag message ako kung asan na sila.

Walang reply.


Naisip ko baka walang data si Raisa at mamaya pa yun magse send ng pictures kapag nakabalik na sa bahay.


1:59pm
Nag message si Raisa.


"Di kami pinapasok, nabwisit lang si Mama " sumbong nito

Tinawagan ko sya sa facetime, nakipag gilgilan pa daw si mama na papasukin sila eh hindi nga daw pwede.

May merienda pa naman daw silang dala-dala para sa mga construction workers, iniuwi na lang nila.

Lesson learned : 


Sumunod sa Rules.
Kapag sinabing Sunday lang pwede pasyalan ang bahay,
Sunday lang pumunta.






Di bale, nagka softdrinks naman sila.





No comments:

Post a Comment

Translate