Araw ng Pagbubuhos
24 July 2017
Di ko na matandaan kung anong oras ako nakatulog kagabi,
kakaisip sa scenario na mangyayari sa unang pagbubuhos sa bahay ko.
6:32 am pa lang nag message na ako kay raisa na samahan si mama at mag picture sa kung anong gagawin sa bahay lalu na yung pagbubuhos.
"Damihan mo ang anggulo ha, may malapit, malayo. Basta damihan mo ang picture" bilin ko sa kanya.
6:58am tumatawag na ako, hindi nya kase sinasagot ang message ko. naatat lang bakit ba.
7:29am ng mag reply si Raisa
" Kararating lang namin, mamaya ko ise-send mga pictures"
Halos wala pang 30 minutes, aalis na daw sila sa site.
Mainit daw at wala naman sila ng ginagawa.
Tapos na sa pag-aalay si Ka Paeng.
Nakita ko ang picture nung mga manok na nakabitin ng patiwarik.
"Grabe, daig pa ang binitay nyan ah" pabiro ko kay Raisa
"Ganun daw talaga, para tumulo lahat ng dugo sa poste" paliwanag daw yun ni ka Paeng
Kailangan mapatuluan ng dugo ang bawat poste ng bahay para daw tumibay.
"Eh yung mga barya, asan?" tanong ko sa kanya
"Mukhang ibinaon nila sa lupa, or ibinuhos sa mga poste" di daw nya Makita kase hindi sila pinalalapit at delikado, baka mahulog sa mga hukay or madulas.
Nag-aalala kase ako na baka kunin ng mga trabahador yung barya.
Pinagbilinan naman daw ni ka Paeng yung mga tao na wag kukunin dahil ang mga iyon ay alay.
Na mamalasin at magkakasakit kung sinuman sa kanila ang magtangka na kumuha ng mga barya at mga abubot na inilagay nya.
Sana naman nakikinig nga sila.
Iba kase kapag pera na ang nasa harapan mo, minsan hindi natin napipigilan ang tukso.
Well this is it !
Magkakabahay na talaga ako.
Sinisimulan na ang Bahay Kubo ng OFW
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment