Checklist

July 23, 2017


Hindi ako magkamayaw kakatawag kay Mama sa facetime.


" Yung mga barya? Tig lilimang piso ba or tig-sa sampung piso?" tanong ko sa kanya
"ala, basta bariya, ayos nayon" si mama, habang nagbibilang ng barya

Paulit ulit ko nire-remind kung kumpleto na ba ang barya na gagamitin bukas.
"Kainaman ka na, paulit-ulit, unlimited?" nakisagot na rin si Raisa.


"Yung mga manok na puti, buhay pa ba? "
Papatayin ang mga manok at yung dugo ay papatuluin sa mga poste ng bahay.


"Baka naiinitan sila at hindi maka survive hanggang bukas ng umaga" paalala ko sa kanila
"Wala tayong aircon , alangan naman lagyan naming ng electric fan para maging kumportable sila? " pabirong sagot ni Raisa


" Si Ka Paeng, anong oras susunduin?" pakulit kong tanong kay Mama
"ay di sa umaga bago mag 8am andun na kami sa harap ng bahay" busy pa rin sya sa kakabilang ng barya


"Sigurado ba na hindi mananakaw yung ilalagay na barya at mga abubot ni Ka Paeng?" worried lang ako na baka nakawin ang mga barya at mga ilalagay na pampaswerte sa bahay.


"May bantay yun na ilalagay at alam naman ng mga construction worker na alay yun, mamalasin sila pag ninakaw" paliwanag ni Mama.

"Nene, lahat ba kayo sasama?" tanong ko muli kay Raisa
"May pasok si kuya, kami na lang ni Mama Ida" sagot nito.


Alam ko natutulilig na si Mama sa mga tanong ko,
bakit ba eh sa excited lang eh.
Minsan lang ako magbabahay, ayoko naman na pumalpak pa ito.


May checklist ako na sinusunod, mahirap ng pumalya, ayokong maghirap at malasin dahil sa bahay na ito.


Fifteen thousand pesos na barya,
ganyan karami ang ilalagay bukas sa mga poste ng bahay ko.




Siguro naman sa daming barya na ibinaon sa bahay,
kahit papaano hindi na kami basta maghihirap ano?



No comments:

Post a Comment

Translate